Dearest Auntie Jing,
Hindi ko alam kung paano
sisimulan itong sulat ko. Pero bago ang lahat-lahat, gusto kong magpasalamat
unang-una sa Panginoon at syempre sa iyo sa mga panahong nakasama ka namin at
mga taong ipinahiram ka Niya sa amin. Walang katulad yun auntie. Sorry dahil
hindi kita napuntahan sa Italy, alam mo namang kahit noon pa, gustong-gusto na
kita puntahan doon di ba? Nagtatampo pa nga ako sa iyo kasi di nagpush-through
ung plano natin nung August 2009 dahil dun sa discrepancy sa accommodation
letter/waiver. Ang dami kong memories kasama ka, most of them nakakatawa at
nakakaiyak and I am quite certain that all of my cousins have their own share
of bittersweet memories of you that they will treasure for the rest of their
lives lalong-lalo na siguro si Ate Nikki at Ate Tata. Kapag nagkkwento sila
minsan naiinggit ako but I just got to treasure what I have of you. Thank you
rin kay Auntie Elsie kasi lagi kaming tumatawag sayo tuwing nagpupunta ako sa
kanila, pakiramdam ko tuloy mas napalapit pa ako sa iyo. Salamat kasi nung mga
huling araw mo, pinag-isa mo ulit kaming pamilya. Nararamdaman naming lahat na
hirap na hirap ka na noon pero gusto ka pa naming makasama ng mas matagal pa
kaya abot-abot ang mga panalangin namin. Mahal na mahal ka namin Auntie Jing!
Minsan nga kahit I love you ako ng I love you, pakiramdam ko di pa rin enough..
at least not enough to alleviate the physical pain you were in a few weeks
back. Pero lagi mong sinasabi sa aming lahat, “OKAY LANG AKO NENG/TENG”. Alala ko lagi ung sinasabi mo sa akin bago ka
magbbye sa telepono, “Kim, alagaan mo si mommy mo at mana ha, sige ingat ka
lagi, I love you, God bless.” Thank you Auntie kasi lagi mong iniisip ang
kapakanan naming lahat (although hindi namin talaga nagustuhan ung ginawa mong
pagsasarili sa sakit mo). Thank you sa mga sermon mo sa telepono sa akin, thank
you dun sa black leather body bag na binigay mo sa akin nung 2008 sa
Philippines, ginagamit ko pa rin sya lagi ngayon, thank you sa surprise call mo
nung birthday ko na halos April 25 na kasi 11.30pm na yata nun.. that was back
in 2009 na di na rin naulit hehe, thank you sa mga jokes at tawa mo, thank you
sa mga memories at higit sa lahat thank you sa love mo auntie. Thank You, Lord
for lending us Auntie Jing. We were blessed to have her as a family and now we
are giving her back to You. Hindi na ako magtatagal but before I end this
letter, I just want to say this again, I love you Auntie Jing, WE LOVE YOU SO
MUCH AUNTIE JING!
Kim xxxxxxxxxx